Vindicated ba kamo?


Hindi ako eksperto sa bibliya. Kaya nang mangyari ang iskandalo sa PCSO at mga obispo, ako ay napabasa. Pilit kong hinanap ang parte kung saan humingi si Hesus ng 4 x 4 chariot kay Cesar, para mas mapadali at mapabilis ang kanyang pag-serbisyo sa mga nangangailangan. Wala akong nakita. Bagkus, aking nabasa, "Ibigay kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos". Yun naman pala, kay Kristo mismo nanggaling ang konsepto ng separation of church and state.

Basa pa ulit ng konti. Si Kristo ay inalok ng demonyo ng buong mundo mismo. Lahat ng kayamanan, karangyaan, at pag-iwas sa kanyang napakasakit at napakahirap na fate. Ito ay Kanyang tinanggihan. 

Simple ang aral. Huwag tumanggap ng alok ng demonyo. E mag-solicit kaya? Pwede ba? Sa tingin nyo? Tama bang mag-solicit sa demonyo? Ewan ko. Hindi ako eksperto.

Pero vindicated daw ang mga obispo. Nang sila ay lumabas matapos ng kanilang pagbigay ng testimonya sa mga senador na marahil umaasa sa kanilang suporta sa mga darating na eleksyon. Wala raw Pajero. Pero teka, di ba ang Montero ay Pajero sa ibang ngalan? Ano ang diperensya ng 1.6 milyon sa 1.6 milyon? Meron ba?

Oo na. Sige na. Vindicated na. Sabi nyo e. Matapos na lang ito. Kunin na ninyo ang "vindication" nyo. Kung dun kayo sasaya. Pero ang humingi pa ng paumanhin mula sa pangulo at pamunuan ng PCSO? Teka muna. Talaga bang gusto nyo ng mas masusing pagsusuri? Gusto nyo bang talagang ungkatin natin ang lahat ng detalye ng mga sasakyang inyong isinauli? Alam nyo bang ang standards sa mga red plate (mga sasakyang pag-aari ng gobyerno)? Binigyan na kayo ng free pass. Huwag nang humirit pa.

Aking ikinabit ang isang maikling video mula sa youtube. Isang munting aral sa lahat ng mga kampon ni Gloria na humaharap at haharap pa sa senado.


Comments

  1. now it all makes sense to me. thanks sa entry mo... i think, this will end my thoughts about the clergy being vindicated. i was lost during the last senate blue ribbon hearing. but i'm fine now. thanks :)

    ReplyDelete
  2. Pansinin mo na sa Tagalog ko sinulat ito. Dahil sa sobrang kahihiyaan, dapat kapwa Pilipino lang ang maka-alam.

    Kung tunay na cross-examination ang nangyari, isa lang ang tanong ko, "Paano ka bishop, bumoto nung maglabas ng pastoral letter ang CBCP nung muntik ng matumba sa pwesto si Gloria?"

    ReplyDelete
  3. haha, true! alam na. :) hay naku.

    tama lang in vernacular ung entry na to... kasi sobrang nakakahiya for our country ung issue.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts