Rap
Kung dati ako ay asar na asar sa mga kabataang nag-ra-rap shit, kumpleto pa ng jacket at bonnet, ngayon ko lang medyo nasakyan ang phenomenon na ito. Nanonood ako ng tv ng makita ko ang dalawang rappers na maglaban. Battle rap daw tawag nila dun. Teka muna, parang pamilyar ito a? Ah, oo nga pala. Ang unang Pinoy na master rapper ay hindi si Francis M. kundi si Francis B. Francisco Baltazaar/Balagtas. Subukan nyo, basahin ang katagang ito sa tempo ng rap, "O pag-ibig na makapangyarihan, nasok sa puso ninuman, lahat ay hahamakin masunod ka lamang." Yes, yes, yo!
Comments
Post a Comment