Berto
Alas sais y media ng gabi, mayroong konting ambon at tila nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan ng sa wakas ay nakarating rin ako sa pila ng tricycle sa aming lugar.Tatlong sabit din sa jeep bago ako umabot dito. Kinapa ko ang natitirang barya sa aking bulsa, ngunit kulang pa, kulang pa ng piso para sa pamasahe sa tricycle. Imbes na maki-usap ay mas ninais ko pang maglakad na lang. Ayos lang. Malapit lang naman. Wag lang sana ako abutan ng ulan.
Pagdating sa bahay ay dere-derecho ako sa kusina at dun naghalungkag ng mga kaldero sa paghahanap ng makakain. Mula sa kanyang silid, narinig ko ang tinig ng aking ina. Pero hindi ko ito pinansin.
"Ano ka ba Bitoy?" sambit ni inang paglabas ng kanyang silid. "Ang sabi ko ang hapunan mo ay nandito lang, pinagtabi na kita."
Inabot ko ang plato ng kanin at ulam at sabay, pilit itago ang pagka-inis, "Inang, sabi namang Berto na ang itawag nyo sa akin, hindi na ako batang paslit. Hindi na ako Bitoy."
"Ah ganun ba?" may halong pagkutya na sagot ng aking ina. "Kaya pala hindi mo na ako sinasagot ngayon."
Eto na naman, sabi ko sa sarili ko. Katakot-takot na namang sermon ang lalamunin ko kasabay ng aking hapunan. Mga kwentong mula pa ng World War 2. Kainis. Simpleng paki-usap, lecture mula panahon ng Hapon ang kapalit. At ang mas masakit, alam kong hindi naman pagbibigyan ang aking maliit na paki-usap.
"O siya inang, matutulog na ako" sabi ko pagkatapos kumain. Hindi pa sana tapos ang lecture pero inunahan ko na, "Medyo masama pakiramdam ko, na-ambunan kasi ako."
Meron pa sanang sasabihin si inang, pero salamat sa langit, biglang humampas sa bubungan ang pagka-lakas lakas na patak ng ulan at hindi ko na siya narinig. Tumango na lang ako sabay derecho sa aking silid at sinubukang matulog.
Mga ilang oras din siguro ang lumipas ng ako ay gisingin ng aking ina. Malalim na ang gabi. Tulog na halos lahat ang aming mga kapit-bahay at tahimik na rin ang panahon.
"Bitoy, may naghahanap sa iyo, classmate mo daw."
May halong antok at papungas-pungas pa ng mata nang hinarap ko ang bisita na hindi man lamang pinatuloy ng aking ina.
Mga ilang saglit lang ay nagpa-alam ako,"Inang, ito si Francis, classmate ko sa school. May inatendan lang party dyan sa malapit. Samahan ko lang hanggang sakayan ng jeep. Meron atang kumukursunadang mga laseng dyan sa kanto."
"Ano? Ngayon? Gabi na. At haharap ka sa mga laseng? Ano ka ba?" sagot ng hindi ko maka-paniwalang ina.
"Ayos lang yun, kilala ko naman ang mga tambay dyan."
Ilan pang palitan ng mga argumento pero hindi talaga ako papi-pigil. Dali-dali kong kinuha ang aking jacket sabay, "Sige inang, ilang minuto lang at babalik din ako."
"Bitoy, pag lumabas ka ngayon, sumpa ko hindi ka na makakabalik."
Hindi ko ito pinansin. At talilis na umalis.
Matinding luha ang bumuhos sa mga mata ng aking ina kasabay ng malakas na namang pag-ulan, na parang wari ba ay nilamon ng kadiliman at ng masamang panahon ang kanyang pagka-mahal mahal na si Bitoy. At marahil na rin siguro, sa tindi ng kanyang hinagpis ay natupad nga ang kanyang sumpa, hindi na muling makakabalik si Bitoy.
"Berto", salubong sa akin. Sa wakas nabigkas din ng aking dakilang ina, sabay mahigpit na akap sa kanyang basang-basang anak.
------------------
Ang orihinal na bersyon ng maikling kwentong ito ay sinulat ko nung ako ay kinse anyos pa lamang, at ito ay aking sinumite sa klase ng Pilipino ni Dr. Narciso Matienzo. Typewriter pa ang gamit ko nun. Ganun na katagal yun. Ito ay kathang isip lamang (fiction). At muli ko itong sinulat sa request na rin ng isang conspirator.
Salamat naman at nagustuhan mo. Meron pang kasunod na istoryang Tagalog na ipo-post ako sa mga ilang araw. Kontribution ng isang conspirator. Antayin nyo. Oks yun mga pare.
ReplyDeleteParang nag linggo ng wika ang mungo conspiracy ah? lol. Si KL kasi eh, chinalenge ang Tagalog ko. :)
Ang galing naman! Kaya simula ngayon, di ka na si Batman. Bitoy ka na.
ReplyDeleteDon Dee, you created a mood of time and place, and captured the emotional tension so common between sons and mothers. Just about every mother somehow unconsciously thinks that her son will always be a little boy.
ReplyDeleteSiya nga pala, si Totoy Bisaya ini.
Salamat naman at nagustuhan ninyo ang unang installment sa ating Linggo ng Wika (spontaneous) celebration.
ReplyDeletePara sa mga gustong mag-sumite na kani-kanilang entry, Tagalog man o Ingles, mangyari lang po na mag e-mail sa mungoconspiracy@gmail.com. Ilagay sa subject ay "Dear Ate Helen" para ito ay agaran kong mabigyan ng pansin (at hindi malunod sa mga spam e-mails dun). :)
Naalala ko tuloy yung araling panitikan nung high school. Maganda talagang magbasa ng tagalog basta maayos ang pagkakasulat. Para kang kumakain ng halo-halo at kalamay sa kanto, pinoy na pinoy! Isang maagang buwan ng wika sa inyong lahat! :) - KL
ReplyDeleteKaso naaalala ko sa kathang itokung paano magbasa mga kaklase ko noon.
ReplyDelete"Na. . . nay... ... B-bi...toy... (kamot sa ulo/puwet) ang... (titingnan ng mas malapit ang aklat na animo malabo ang mata kahit hindi sabay bulong ng "ano yun?") ita...wag mo... sa akin..."
Dang! Pero kung magbasa ng Song hits, direstong diretso pati tono. Hehehe.
Para bang nawawala na sa/ mga kabataan ngayon ang mahilig magbasa ng libro. Nagbabasa lang dahil napipilitan.
Buti na lang, nauso ang text. Nai inspire na sla ngayon matutong magbasa. Hehehe.
pumi-fiction ka pala. nice. buti nahanap mo to sa baul mo. :D
ReplyDelete99% of what I write are lies...errrr.... fiction... :) And oh, I re-wrote that from memory.
ReplyDelete