Bali ng ABS-CBN
From ABS-CBN news website:
Umani ng batikos ang media dahil sa coverage ng hostage crisis sa Quirino Grandstand.
Nitong Martes, mismong si Secretary Ricky Carandang ang umamin sa radio dzMM, nakalimutan ng gobyernong mag-assign ng opisyal na titiyak na hindi magiging sagabal ang media sa police operations.
“Yes. May mga pagkukulang talaga kami sa pag-manage sa media,” ani Carandang.
So ayon na rin sa sarili nilang website, ang media kaya hindi naging responsable nung araw na yun, KASALANAN NI PNOY. Ang galing nyong bumali mga tsong! Talo nyo pa si Lim Em Beng! So, pag si Karen Davila, nakalimutan maghugas ng pwet, kasalanan pa rin ni PNoy? Ah, dahil sa mga factions sa Malacanang hindi nakapag-memo kay Karen. Ganun ba yun?
Yung mga nag-stampede sa ULTRA? Kasalanan naman ni Gloria? Mahirap atang pati si Noynoy madawit dun. Pero sige, hintayin ko, baka meron pa kayong bali na kayang magawa.
-------------------------
Unrelated item:
Ray William Johnson comments on a Filipino viral video. I am a fan of RWJ. Been following him for a few months now. And I think he is not that mean. And those guys are gay. :)
-------------------------
Unrelated item:
Ray William Johnson comments on a Filipino viral video. I am a fan of RWJ. Been following him for a few months now. And I think he is not that mean. And those guys are gay. :)
HahahYUFFF!! Hehehe.
ReplyDeleteLupeet!
Kaya nga ang masa, natututong wag magtrabaho at tumambay na lang tapos sisisihin kung sino pangulo pag nagugutom na o nagkakasakit ang pamilya. Wahaha!
Pero ayaw nilang umamin na pinagpiyestahan talaga nila ang event kaya lumala ng todo ang sitwasyon.
Pero kahit ano pa ang sabihin natin, palpak pa rin talaga ang SWAT. (Sugod! Wait, Atras Tayo) hehehe.
Haynaku, kaya nga siguro tama na (PRESS) FREEDOM should only belong to those who are responsible and mature enough to wield that freedom. Parang ganun ata point ni pareng JP Rizal, di ba?
ReplyDeleteI think so. Pero dapat talagang mag focus and media (all mediums) para sa ikauunlad at hindi sa ikakaganda ng ratings.
ReplyDeleteFor example, nung "Oakwood Mutiny", naka televise pa talaga paggapang ng mga pwersa ng gobyerno sa likod ng Hotel samantalang isang nakabukas na TV lang ang katapat para malaman yun ng mga nasa loob.
Yun yung mga bagay na dapat ay di ipinapaalam sa mga yon. Dahil sa paghabol sa ratings, kinailangan ng ABS-CBN na magpalipad ng Helicopter para ma cover yung "COVERT" Operation na yon. Hayuf talaga. Kaya ayun, napilitan silang i pull back ang mga pwersa dahil garantisadong patay pag nagpumilit sila.
Dito naman sa case nitong Hostage Gag Show na 'to, parang mas lumala pa.
Nakakasawa na nga manood ng TV. )Puro iyon ang nasa news. Dapat talaga palitan na ng pangalan. Dapat "olds" na itawag dito.