Tunay na lalake



I'm a fan/follower of Hay!Men! blogspot ng Tunay na Lalake. The site is a parody, of course. But sadly, this little fact escapes the wannabes whose combined IQ scores would not equal the price of one liter of diesel. 


Eniweys, here are some of my Tunay na Lalake commandments:

1. Ang tunay na lalake ay walang pake kung anong tuna ang kinakain ni DingDong at Marian.

2. Kailanman hindi nagiging status ng tunay na lalake sa facebook ay "It's complicated". Simple ang tunay na lalake at may isang salita. Either were together or we are not. It's never complicated.

3. Kailanman hindi sasagot ang tunay na lalake ng "whatever". 

4. Paniwala ng tunay na lalake na kabawasan sa kanyang pagkalalaki ang pumatol ng away sa mga walang kalaban-laban. Ang manakit ng babae ay gawain ng mga walang "Biag ni Lam Ang". 

5. Ang pagiging homophobic ay gawain ng hindi tunay na lalake. Bakit? Takot kang ma-recruit? Hindi ka sigurado sa pagkalalaki mo 'no?

6. Ang tunay na lalake ay kayang panindigan kung ano man ang resulta ng kanyang mga aksyon. Kaya maingat magsalita, gumawa ng desisyon, o gumawa ng aksyon. Hindi padalos-dalos. Ang tunay na lalake ay walang susumbungan. Alam niya ito. Walang aayos ng kanyang gusot kung hindi siya lamang.

7. Ang tunay na lalake ay walang pake kung ano na ang status ng career ni Charisse (tama ba ang spelling?). Kung sexy starlet na labas ang cleavage kung kumanta, baka maalala pa ng tunay na lalake ang pangalan ng singer. 

8. Ang starbaks ay para sa mga hindi tunay na lalake. Para sa tunay na lalake, kapeng barako (Batangas coffee) lang ang tunay na kape. Gayunpaman, magtitiyaga sa 3 in 1, pero hindi gagastos ng siento para sa isang tasang kape masabi lang na thotyal siya. And TnL ay praktikal.

9. Ang Metro Sexuality ay hindi gawain ng tunay na lalake. Kung pwede lang pumasok sa opis ng naka John Puruntong shorts at tsinelas, gagawin niya ito. 

10. Ang tunay na lalake ay hindi kumakain ng mungo pag Friday.

Comments

  1. 3. Kailanman hindi sasagot ang tunay na lalake ng "whatever".

    Nadepress ako bigla :( Akala ko TnL pa naman ako. Tsk. Whatever!!!! :p

    ReplyDelete
  2. Imbes na "whatever", dapat "tangina", :D

    ReplyDelete
  3. Pag kumain ng ice cream (tulad ng popsikel, pinipig, drumstick, etc) hinde dinidilaan ng tunay na lalake, bagkus ito'y kanyang kinakagat.

    ReplyDelete
  4. Dapat talaga Don Dee may age limit yung pwedeng pumunta sa site na iyon. Pangharang man lang sa mga utak-kinder (kung naniniwala ka na hindi kaya ng utak ng kinder ang sex ed).

    ReplyDelete
  5. Ang tunay na lalake hindi uto-uto. Hehehe...
    Ang tunay na lalake hindi jejemon.
    Ang tunay na lalake walang pakialam sa mga comment ng mga hindi tunay na lalake.

    Naman, why so serious kung tunay kang lalake?
    Tangina.

    ReplyDelete
  6. See -=K=-? It's "tangina" not "whatever", lol.

    Pero, gayunpaman, ating tandaan na ang tunay na lalake hindi apektado sa mga listahan tulad nito na nagsasabi kung ano ang tunay na lalake. Hindi niya kailangan patunayan ang kanyang pagkalalake kanino man liban lang sa sarili nya.

    ReplyDelete
  7. Wahaha! "#10" da best!!!

    ReplyDelete
  8. Ehehe, may isa pa Maester DOndz.

    Ang tunay na lalake, pag tinawag na bakla ng isang napakagandang dilag. Kailangang patunayan na isa nga siyang tunay na lalake sa pmamaraang pawang mga tunay na lalakle lang ang nakakaalam. Hehehe.

    Luging lugi nga eh. Pag yung babae sinabihang tibo, di papatunayan sa iyo na babae siya.

    ReplyDelete
  9. Tangina, paano kung yung babaeng tumawag sa atin bakla di maganda? Kasi may tumawag sa akin bakla noon, e mas malaki pa bilbil nya. Kelangan pa rin patunayan?

    ReplyDelete
  10. Onan,

    I a word, "YES". Hahahaha... Ang tunay na lalake ay nagco-community service kung kina-kailangan.

    ReplyDelete
  11. Hey Double D and all the other conspirators, check thisout --> http://tunaynaveyklas.blogspot.com/

    Enjoy! :)

    ReplyDelete
  12. ^^ I see you've discovered my other blog. Hahaha.

    ReplyDelete
  13. Anon, Maester Dondz, Dun nga tayo lugi eh. Obligado tayong ipagtanggol ang pagkalalaki natin no matter what. Pero sa mga gay readers, wag nyo masubuk subukan, kasi, pag bakla ang nag contest sa pagkalalaki ng isang tunay na lalaki, obligado na bugbugin nung lalaki yung bakla. Sad but true. Lol!

    Khaye, I'd rather not. I'm highly allergic. Lol!

    ReplyDelete
  14. ang tunay na lalake ay walang maraming kung anu-anong shit

    ReplyDelete
  15. Oh welcome to my little blog xyxo loco. I LOVE your Tunay na Lalake Blog. Been a follower since the "Typewriter and dinadala sa Starbaks ng TNL". Haha. That was a classic. Too bad too many idiots are ruining it recently. It's not your fault. I do know how hard it is to keep a blog fresh each and every day. MORE POWER TO THE HAY!MEN!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts